Nakilala ko ang isa mga kakumpetisyon namin sa pamomotograpo dito sa isla. Hindi kaaya-aya dahil may common friend kami at parang hot seat na biglang pinag-uusapan namin ang parehong bisnes sa harap ng iba. Parang comparing notes. Lagpas isang taon na siya namimityur at okay naman ang mga kuha niya. Iba-iba naman talaga style at siyempre yung bisnes namin, feeling namin may maibibigay rin kaming maganda. Masmaganda sa mga kuha niya. Bwehehe.
Kailangan ko sabihin ito sa tagalog para siguradong hindi nya maiintindihan. :P
Okay naman sana siyang kaibigan, madaldal, walang awkward silence. Kaso, parang may dugo ata siya ni Don Facundo. Hinangin ako eh. Sumobra siya sa hilig sa pang-o-okray lalo na sa mga ibang namimityur na mga kapitbahay niya. All knowing talaga. Siguradong na-okray na rin niya ang mga gawa namin dahil sabi niya sinilip na raw niya ung aming facebook. Tapos walang binigay na kumento man lang tungkol sa gawa namin.
Pati tatak ng kamera ko inokray.
Yung nagsisimula pa lang sa bisness, inokray na.
Yung nakita niyang babae na panget ung suot, inokray.
Kasali sila sa organisasyon ng mga kaasawahan dun sa loob ng base. Ganon pala sila, mega-okrayan lang ng kapwa mga misis dun. Buti na lang hindi ako kasali dun sa organisasyon na yun. Buti na lang sa labas kami ng base nakatira mula simula pa. Whew!
Okay na sakin kahit isa o dalawa lang kaibigan ko dito, at least siguradong hindi tsismis inaatupag.
Sabi niya, madami daw nag-a-add sa kanya sa facebook, tapos pagkatapos makita ung mga gawa niya, idedelete din daw siya. Sinisilip lang daw ung mga gawa niya nung mga kapwa mamimityur, tapos tatanggalin na raw siya sa facebook.
Sa palagay ko, hindi yun yung main reason bakit siya dinedelete ng mga tao sa facebook.
Baka hinangin lang talaga sila. :P
Hinangin papalayo.
Wooooooshhh!
P.S.
Sa lahat ng mga mamimityur na hindi nag-aangas at marunong maka-appreciate ng mga kapwa nila artist, mataas respeto ko sa ating lahat. Bow.
P.P.S.
Wow, ganon kalakas ung dating ni Dona Facunda na ginawan ko pa siya ng article dito sa blog ko.
Saturday, July 17, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
hahaha. sure ka bang ndi marunong magtagalog yun? :)
hay naku, baka insecure lang yan kaya malakas mang-okray ng iba. hwag mo na siya pag-aksayahan ng oras. haha...
Hay naku, oo nga nakakainis talaga siya pero dedma na. I'll be the bigger person and understand na madami talagang utak ewan sa mundo. Hehehe.
huminga ka ineng sayang wrinkles
Nag-fi-feeling feelingang magaling lang yun! Baka kasi wala makapagbigay ng positive comments sa kanya kaya sya na lang nagbibigay nun sa sarili nya wehehe...
Nagsusurvive pa rin blog mo, ilang years na :)
Hi Ness!
Oo nga eh, hindi ko napapansin ang tagal na rin pala ng blog ko. :D
Post a Comment